Okay lang kahit wag niyong basahin, wala naman talagang nagbabasa ng mga posts ko (emo lang). Gusto ko lang talagang maglabas ng saloobin.
Feeling ko kasi ang sama kong anak. Ako kasi, half-pinay, half-chinese. Ung daddy ko Singaporean, so hindi siya marunong magtagalog. Tapos pag nasa bahay pa kami, tagalog lang kami ng tagalog, pag kakausapin ko ung daddy ko, hindi ko ini-english, tagalog pa rin ang imik ko sa kanya. Nahihiya kasi akong mag-english, baka sabihin wrong grammar o kaya pagtawanan ako, pero alam ko namang hindi, kaso ewan. Ayaw ko lang talaga. Kaya pag minsan, sabay sabay kaming nakain, tapos kwentuhan kami nina mommy, feeling ko laging out of place si daddy, tapos pag tatanungin niya kami kung ano daw un, tinatagalog ko ang pagsagot, so hindi rin niya naiintindihan. Ang bad ko ba?
Tapos kagabi, nung umuwi siya galing trabaho, mga 11pm na siguro un. Nakaupo ako nun sa sofa, kasama ung ate ko saka ung kapatid kong bunso. Pare-pareho kaming may hawak na cellphone, nagbabasa kasi ako ng story sa Wattpad tapos ung ate ko ganun din tapos ung bunso kong kapatid naglalaro ng games. Nung dumating ung daddy ko, hindi man lang namin pinansin. Parang snob lang. Tapos sabi ni daddy, super busy daw namin. Kaya feeling ko tuloy, pakiramdam ni daddy wala lang siya sa amin. Tapos pag minsan kinakausap niya kami, tapos hindi ko maintindihan ung iniimik niya, ang hirap kasing intindihan kasi nga Chinese siya eh ang nangyayari nauuwi lang ang usapan namin sa “ha?” “ano?” lang ang iniimik ko. Waaaah..ako na ata ang pinakamasamang anak T_T