Posts tagged tagalog.

PBB Teen 4

Hindi ako mahilig manuod ng TV. Kasi buong araw sa harap ng computer lang talaga ako. Pero nung nagkaroon ng PBB, saka lang ako nagka-interest na kunin ung remote at buksan ang TV. Second time ko lang maging ganito ka-interesado sa panunuod ng PBB. Ang kauna-unahan ung kina Nene, ung 1st PBB. Ciempre una pa lang, kaya sinubaybayan ko. Pero pagkatapos nun, hindi na. Ngayon lang talaga ako nanuod.

Sa mga housemates, IDOL ko talaga si Alec. Gwapo kasi eh. Nakilala ko siya kay Anica Ordan (youranicababe), may picture kasi sila together. I think they’re friends in person. Tapos sa mga babae, kay Myrtle Gail talaga ako. Ciempre! Kilala ko na siya before siya pumasok sa PBB house. Sikat siya na cosplayer kaya kilala ko tapos ang ganda ganda pa niya. Tapos hindi siya ganun kakiri katulad nung ibang mga babae na housemates. Grabe lang sila nung pumasok sa bahay, todo sigawan. Pero si Myrtle, hindi. That’s why i love her more. Sana manalo siya. Walang kokontra.

Kung makikipagbalikan pa sayo ang ex mo na sinaktan ka ng todo, bibigyan mo ba siya ng 2nd chance? Bakit? o Bakit hindi?

Hindi ako t*nga para magpakat*nga ulet. Oo, alam ko na “Everyone deserves a second chance”. Siguro karamihan ng babae bibigyan ng 2nd chance ung ex nia. Kasi MAHAL niya eh. So sa tingin nila eto na ung chance para magkabalikan na ulet sila. Why not grab the opportunity nga daw, d ba? Pero para sakin, Once is enough. Kung nakaya nga niya akong iwan noon, paano pa kaya ngayon? Kung nakaya nga niya akong saktan-saktan na lang dati, eh d mas masakit pa ang mararamdaman ko kung sasaktan niya ulet ako? Nagawa niyang mabuhay dati ng wala ako. Nagawa niyang iwan at saktan ang tulad ko. Tapos ngayon, makikipagbalikan siya?! Hindi ako T*NGA para magpakaT*NGA ulet. Dahil once na sinagot ko siya at naging kami ulet, anytime pede niya akong iwan. Nagawa nga niya dati eh, so anytime pde niya rin ulet akong gaguhin ng ganun-ganun na lang. 

Maraming babae ang higit na nasasaktan ng dahil sa 2nd chance na yan. Mas marami ang naiyak kasi akala nila nagbago na ung guy. Akala nila, they’re meant to be together na talaga in the end. Akala nila, forever na ang kanilang pagmamahalan. Pero hindi eh. Hindi naman yan isang tanong isang sagot. Kasi kahit sino sa atin walang may alam kung ano nga ba ang mangyayari in the near future. Wala naman sa kamay natin kung ano ang gusto nating mangyari. Kung ano ang gusto nating love story. Kasi anytime pde nia tayong masaktan. Anytime pde nia tayong iwan. At anytime, pdeng magbago ang puso niya at idikta na hindi na tayo mahal.

We should learn from our previous mistakes. Tama na ung isang beses na lang tayong masaktan. Wag na nating pahirapan pa ang ating sarili.

Ang kayabangang side ng ate ko..

  • Katatapos ko lang kasing gumawa nung project ko sa MATH, ung mga circles na ewan. Basta related sa Art.
  • Me: Aaarrgh..nakakasura! Ito na yata ung pinakapangit kong gawa!
  • Ate: *tingin sa gawa ko* Ikaw tlga gumawa nian? Parang si CJ lng ang gumawa. Ang pangit! Saka ung kulay, bkt ganian? Parang panlalaki!
  • Me: Ang yabang naman nito. Ano bang sabi ko? Pangit nga ah..At saka, mas maganda naman ito kaysa dun sa gawa mo last year!
  • Ate: Bakit? Nakita mo ba ung gnawa ko dati? Gandang-ganda nun..HAHAHA
  • Me: CHE! Uulitin ko to bukas. Bili ka ng isang balot na oslo. Naubos ko na ung isang balot kanina.
#convo  #tagalog  

Bakit SELOSA ang mga babae?

Simple lang. Dahil mahal ka niya. At dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo, ayaw niyang may ibang babae na makakaagaw sayo ♥

May mga babae lang talaga na super magselos. Ung tipong may lalapit lang na ibang babae sa boyfriend niya eh akala mo’y simula na ng World War III. Meron din namang babaeng, palihim lang magselos. Ung tipong, kinikimkim lang ang galit sa sarili pero deep inside sasabog na sa selos ang puso niya.

Ung feeling na marami ka na palang nasasaktan. Di mo lang alam.

Masakit din palang isipin na ung taong gustung-gusto mong maka-move on eh nakamove-on na…

Does it only proves na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon dahil nasasaktan ka sa tuwing naiisip mong nakamove-on na siya? Dahil wala ng maghahabol sayo? Wala ng magtetext sayo trying to ask kung okay ka lang ba? Wala ng babati sayo ng “good morning, good evening etc…”? Kelangan ba talagang saka mo lang marerealize ang mga pagkakamali mo kung kelan wala na siya? Kung kelan nakamove-on na siya? Saka mo lang ba marerealize na mahal mo pa talaga siya kung kelan huli na ang lahat? Pero mahal mo pa nga ba talaga? Or namimiss mo lang ung mga bagay na ginagawa niya sayo at ung presensya niya? Or talagang nanghihinayang ka lang dahil wala na ung taong nagtitiyaga sayo at umaasa na mamahalin pa ulit siya tulad ng dati kaya nasasaktan ka?

Mistakes strengthen one’s relationship…

In life, there are times na makakagawa tayo ng pagkakamali na pwedeng makasakit ng husto sa mga taong mahal at nagmamahal sa atin. Pero normal lang naman sa tao ang madapa, makapanakit, at makamali di ba? Basta ba marunong tayong tumanggap ng pagkakamali natin at itama ito. At saka kinakailangan nating ipakita sa taong nasaktan natin na nagsisisi tayo sa nagawa natin at handa tayong gawin ang lahat mapatawad lang tayo.