Field Trip PART I ♥
January 21, 2012. Field trip namin yan. Mga 2AM ako nagising (sa totoo lang, nag-alarm ako ng 1:30AM pero nagising ako ng 2AM HAHA). Mga 3AM naman ung agenda kaya maagap pa rin ako, besides malapit lang naman ung meeting place, sa 7/11 kasi mga 10 minutes walk lang yun sa hauz namin. So ayun, umalis ako ng bahay ng 3AM tapos dinaanan ko ung friend ko. Nalimutan ko pa nga ung snacks ko kaya nakabalik pa ako sa bahay. HAHA grabe, sobrang malilimutin ko tlga.
Pag karating namin sa 7/11, mejo marami na ung tao pero ang tagal pa rin naming nag-iintay. Mga 1 hour cguro. Kaya kwentuhan mode muna kami ng aming barkada tapos tawa pa ako ng tawa. Grave pa nga ung pagsakay namin sa bus eh. Parang banung-bano kasi takbuhan talaga. Tapos nung una, mali pa ung nasakyan naming bus kasi masyadong maliit, 45 persons lng ata kasya. Eh 50 naman kami kasi halos buong klase namin eh kasama. Tapos nung sumakay na sila sa bus, nahuli ako saka ung karatig ko, hate ko kasi ang mga paunahan part kasi lagi talaga akong nahuhuli. So ayun, wala kaming maupuan ang tanging vacant lang eh ung upuan next toHIM. Eh no choice, dun na kami umupo. Sabi ko dun sa karatig ko dun ako sa meh bintana para mejo malayo sakanya. Iiyak na nga ako eh, pero tawa pa rin ako ng tawa. Ayoko kasi dun sa upuan na un kasi malayo ako sa mga kabarkada ko, nasa pahuling part kasi sila eh ako eh sa pauna tapos malapit pa ako sakanya. Kaya it’s a BIG NO! Buti na lang pumayag ung isa kong classmate na nasa likod na makipagpalit ng upuan. Kaya ayun, magkakalapit na ulit kami ng upo with my friends :D Umalis ung bus mga 4AM. Ayun karaoke mode ung klase namin. Kantahan ng kantahan taz picture picture ng mga tulog. HAHA >:D
Mga 10 or 11AM cguro nakarating na kami sa aming first destination, sa Avilon Zoo sa Montalban Rizal. Actually i hate this part kasi nd ako mahilig sa zoo. I don’t hate animals, moreover i’m an animal lover pero i hate the part na lakad ako ng lakad tapos super init pa ng paligid. ahaha arte eh nuh? Tapos halos lahat naman ng hayop doon nakita ko na, gawa nung nasa Singapore ako eh 2 times ata akong pumunta sa Zoo at sa 2000 Bird’s Park, kaya umay na umay ako. Ang tanging nakapagpasaya lang sakin eh ung shop na nagtitinda ng mga cute stuffs. Bibili sana ako eh wala namang bumili sa mga classmates ko, nahiya naman ako. LOL :D At saka, ang cute nung tiger! Mukhang stuff toy, ang sarap i-hug! haha Gusto ko tuloy mag-alaga ng baby tiger. LOL
After sa zoo, pumunta naman kaming Marikina para dun sa Science Exhibit. Ung ibang devices dito nakita na namin sa Science Exhibit sa Pagbilao kaya d na masyadong bago pero nag-enjoy naman ako kahit papanuh :D Ayun siyempre, d malilimutan ang picture taking. HAHA
TO be continued….
-
haru-chann liked this
-
gillianlovesweet liked this
-
iiyanyan posted this

